Mister at kalaguyo, huli sa akto ni misis

MAGKASAMA SA PIITAN ang isang mister at kalaguyo nito nang mahuli ng asawa ng una na gumagawa ng milagro sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga pinakulong na sina Arman Dalusong, 29 ng Governor Pascual St., at Mary Grace Tungco, 29 ng Martinez St., kapwa ng San Jose ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng umaga nang maaktuhan ni Gelyn sa loob ng kanilang bahay na may ginagawang milagro ang kanyang asawa at kalaguyo nito.

Agad na tumawag ng pulis si Gelyn at pinadakip ang magkalaguyo.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.