MISSING IN ACTION: Lovi Poe, wala na nga bang planong umuwi?

Lovi Poe

MARAMI na ang nakakamiss sa Kapuso actress na si Lovi Poe. Nasanay kasi ang mga fans niya na once a year ay may teleserye siya sa GMA-7 o kung hindi man siya visible telebisyon, meron itong pelikulang pinagkakaabalahan.

Halos kalahating taon na wala sa sirkulasyon ang aktres, kaya naman hindi mapigilan ng mga fans niya na magtanong: Babalik pa ba si Lovi?

Though we enjoy her social media updates at kitang-kita na talagang nilulubos ni Lovi ang kanyang much-deserved break from showbiz, namimiss na rin namin siya. We can’t help but wonder: May international movie ba itong shinu-shoot abroad o is she trying her luck in Hollywood? Mabibigla na lang ba kami one day at biglang bubungad na bida na ito sa isang bonggang pelikula abroad?

Lovi Poe



With her close friend Heart Evangelista’s secret international project, hindi na kami magtataka kung susunod din sa yapak niy ang kanyang bestie. Maliban sa talented ito at keri makipagsabayan sa inglisan, her morena skin will make her stand out from the crowd.

Bago siya umalis ng bansa ay tinapos nito ang summer pictorial for a clothing line that she’s endorsing. May dalawang drama films din itong tinapos na hindi namin alam kung kailan ipapalabas: Ang Latay ni Ralston Jover at PisoNet ni Tikoy Aguiluz.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.