Miss World Megan Young, sa ‘Pinas magpa-Pasko kasama ang pamilya

Megan-YoungNANDITO PALA sa bansa uli ang Miss World 2013 na si Megan Young. Dito raw siya magpa-Pasko sabi ng kapatid nitong si Lauren Young. Kaya excited daw ang buong pamilya, dahil kumpleto sila sa Pasko hanggang Bagong Taon.

Kaya sabi ni Lauren, ngayon pa lang ay pinaplano na nila kung ano ang gagawin nila. Baka raw babalik sila ng Subic at mag-beach lang, basta kumpleto lang silang buong pamilya.

At least may sapat na panahon silang makasama ang ate nila na abala sa pag-iikot bilang Miss World.

In fairness naman kay Megan, malaking bagay ang nagawa niyang paghingi ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Inikot pa niya ang Tacloban, Cebu, Iloilo at Capiz yata na kung saan nagdala siya roon ng mga relief goods at ibinigay ang donasyong nalikom niya.

Kaya deserving nga si Megan sa title niyang Miss World 2013, at proud na proud si Lauren sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.