Miss World Megan Young, Naaksidente

BAHAGYANG NASUGATAN si 2013 Miss World Megan Young matapos maaksidente sa pagbisita sa isang orphanage sa Port-au-Prince sa bansang Haiti kamakailan.

Lumalabas sa artikulo sa official site ng Miss World, kasama ni Young si Miss World Chairman Julia Morley na bumisita sa 78 batang nagkaklase noon sa ikalawang palapag ng gusali ng bahay ampunan.

Nabatid na tumatakbo ang mga bata papunta sa beauty queen nang biglang gumuho ang sahig.

Nahulog sina Young at Morley sa taas na 10 talampakan.

Isinugod sa pagamutan si Morley at ang isa pang estudyante sa tindi ng pagbagsak.

Napag-alaman na nagkaroon ng fracture o bali sa balakang ang Miss World chairman kaya dinala na ito sa Miami para maoperahan.

Nagtamo naman ng mga galos si Young na ngayo’y nakabalik na sa Amerika kasama ang pamilya nito.

Ainya, “Nothing like that has really happened to me before. It was such a shock. I felt like a deer in the headlights. I didn’t really know what had happened or what to do. We had all fallen down, but I was still on my feet. I had the crown in one hand and the other hand instinctively holding up one of the decks in place with two people. There were lots of kids under the decks still and we just instinctively held on.”

Samantala, umaasa naman si Young na mabilis na makakarekober si Morley at ang estudyante.

“My thoughts are with them at this time. It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti. I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.