Miss World Megan Young, hindi masolo ng ina nang bumisita sa bansa

Megan-YoungWINNING AS Miss World 2013 is a life-changing experience for Megan Young. Ilang linggo matapos ang kanyang victory sa nasabing prestigipous beauty pageant, mula London ay umuwi siya ng Pilipinas last Thursday, October 10.

Sa ilang araw lang na pananatili sa bansa, puno ang daily schedule niya. Presscon kinagabihan matapos siyang dumating.  Motorcade kinabukasan. And then courtesy call sa Malacañang.

May mga charitable event din siyang pinuntahan. Tapos ‘yong pagbisita niya sa Olongapo na kanyang hometown, at mga interview.

No’ng nag-guest nga si Megan sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, October 13, walang sinumang makalapit basta-basta kay Megan sa dami at higpit ng mga nakapalibot sa kanyang event security personnel na naatasang mag-escort sa kanya.

Ang kanyang inang si Mrs. Viktoria Tayde Young, naiwan na lang nga sa may lobby ng new building ng GMA network coumpound pagkaalis ng first Pinay Miss World winner.

Megan-Young“Masayang-masaya ako. Pero at the same time, nagiging malungkot din ako paminasan-minsan,” sabi ni Mommy Viktoria nang makakuwentuhan namin.

“Eh, kahit na nandito siya ngayon sa Pilipinas, parang napakalaking challenge sa akin na makita ko man lang siya. Naghihintay ako ng pagkakataon… naghahanap ako ng pagkakataon na makasama ko man lamang siya. Na sana mag-spend a night man lang siya na magkapiling kami.

“Katulad nga nandito tayo sa GMA, ‘yon lang… sa dressing room. Pero iba talaga kapag magkasama kayo sa bahay. And I don’t think meron siyang chance na sa bahay siya matulog or magdi-dinner kami na kami-kami lang. It’s not like that na.

“Normally ang nagyayari ngayon, pag-dinner nasa public area pa rin. We had a chance to see each other the other night (Friday, October 11) nang matapos ang parade sa MOA (Mall Of Asia). But she was very exhausted. So, I left her alone. Sabi ko… matulog ka na lamang. Because she needed it.

“Wala talagang chance na makasama ko siya na kami-kami. And that’s quite a challenge for me na makapiling ko siya nang sarilinan.

“No’ng pagdating niya last Thursday (October) she never had the chance to call me. She was so busy and everybody is around her. And… basta ako, naghihintay lang ako. Nagpa-private message siya pero paisa-isang linya lang. Kasi she’s very tired. Pero hindi naman sumasama ang loob ko. In fact, I’m really very proud of her.

“As her mother, I’m very proud na napakapagbigay siya ng malaking karangalan sa ating bansa. For me it’s a big thing and I consider that as a great achievement of her life as well as mine.

“Nalulungkot lang ako paminsan-minsan. Last Saturday (October 12), nagpunta siya sa Olongapo. At sobrang napakainit ng pagtanggap ng mga tao roon sa kanya. Dumaan din siya sa bahay naming doon. Dinalaw niya ang lola niya. Pero 15 minutes lang sila nagkausap ng lola niya. Because everybody was waiting for her.

“Ang ginawa na lang niya nga… pinasok na lang niya ang lola niya sa kuwarto. Dalawa lang sila, pero nando’n din ako.

“Naku, ang liga-ligaya ng lola niya no’ng makita siya.”

Wala pang lumalabas na balita tungkol sa prize ni Megan kaugnay ng kanyang panalo bilang Miss World 2013. Hindi rin daw alam ni Mommy Victoria dahil wala rin daw nababanggit si Megan sa kanya about it.

“I try to google it. Kasi normally in any competition or beauty pageants, they announce the prizes that the winner is going to have. But for Miss World, no’ng matapos na ‘yong coronation night, sabi ko… ano nga ba ‘yong mga premyo? Parang hindi ko yata narinig? So, I try to google it. Pero… wala!” sabay tawang sabi na lang ni Mommy Victoria.

Labor of love lang pala ang pagiging Ms. World?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Miss World Megan Young, hindi masolo ng ina nang bumisita sa bansa

  1. may tangang writer na nagsabi na mas sikat pa rin daw si lauren kaysa kay megan hahahaha! porket may projects lang sa kapupo sikat na? nagre-rate ba naman ang mga show ni lauren sa kapupo? haha!

    • Oo teh! Kaya nga urong-sulong dati ang Got to Bilibid ni Danielita at Ulikba dahil takot matapat sa teleserye ni Lauren. Hakhakhak! At aminin mo teh, sumikat lang si Megan dahil sa Miss World na nasa GMA. Kung hindi ay starlet pa rin siyang nagnenetwork hopping hanggang sa ngayon dahil walang siyang career sa no. 2 network. Hakhakhak!

  2. Pingback: Miss World Megan Young, hindi masolo ng ina nang bumisita sa bansa - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.