Miss World Megan Young, dumating sa bansa bitbit ang $1.2-M na donasyon

Megan-YoungBONGGA PALA si Megan Young na dumating sa bansa nu’ng nakaraang Miyerkules. May bitbit siyang 1.2 million dollars na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Natutuwa si Megan dahil ‘yung mga bansang naikot niya bilang bahagi ng responsibilidad niya as Miss World 2013, nagbigay sa kanya ng donasyon.

Sa mga guesting daw niya roon sa mga radio at TV station, nagpaparang-telethon sila at doon nakapaglikom sila ng mga donasyon.

Ang dami raw niyang pinuntahan, pero ang pinakamalaki raw niyang nakuha ay sa Jakarta, Indonesia na kung saan may nagbigay ng malaking halaga bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Naku! Kung maibigay itong lahat na donasyon sa mga taga-Tacloban, yayaman na silang lahat du’n.

Siguro naman, dapat pansinin din ang ibang bahagi ng Visayas, dahil hindi lang naman Tacloban ang napinsala nang husto kundi ang ibang lugar pa, gaya ng Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at kahit sa Cebu.

Anyway, malaki ang pasasalamat ni Megan sa lahat na mga nagbigay ng tulong. Kaya kahapon ay pumunta si Megan sa Tacloban para personal na iabot doon ang dala niyang donasyon.

Hindi ko lang alam kung kanino niya ibinigay ha? Baka sa Philippine National Red Cross o sa gobyerno roon.

In fairness, mas gusto ng mga taga-Tacloban doon si Mayor Alfred Romualdez kesa sa gobyerno natin, ha? Nakikita raw nilang nagtatrabaho talaga roon si Mayor Alfred, ha!

 

ANG PELIKULANG Torky and My Little Bossings ang unang nagpa-presscon at siyempre si Kris Aquino ang bumangka, ha!

Special participation lang daw siya roon dahil pelikula raw talaga ‘yun nina Vic Sotto at nina Ryza Mae Dizon at Bimby Yap.

Siyempre, all-out ang suporta ni Kris para sa anak niya dahil aminado talaga siyang stage mother siya.

Pero du’n sa presscon, hindi talaga sinasagot ni Kris kapag tungkol kay James Yap ang tanong.

Sabi niya, hindi raw magiging isyu kapag hindi mo ito sinasagot.

Pero wala raw siyang balak na imbitahin si James sa premiere night ng pelikula nila.

Siyempre, hindi talaga sila friends alang-alang man lang sa kanilang anak.

Nagtataka nga ako kay Kris, hindi niya naging kaibigan ang mga ex-dyowa niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Miss World Megan Young, dumating sa bansa bitbit ang $1.2-M na donasyon

  1. Yong 1.2 million dollars na dala ni Megan, siguradong papasok yan sa bulsa ng ibang matabang pork at ipasok dun sa barrel nila para hindi makuha ng iba, makakainis ang Pinas, daming kurakot to the max,mga patay gutom. sana lumaki and tumigas ang tiyan nila . Mga animal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.