Miss World 2013 Megan Young, dumating na

DUMATING NA kahapon sa bansa si 2013 Miss World Megan Young.

Bago mag-alas-4:30 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang Cathay Pacific Flight CX919 na siyang sinakyan ng actress-beauty titlist.

Mula sa London si Young at anim na araw lamang mananatili sa bansa.

Nagkagulo naman sa naturang paliparan nang dumating ang beauty queen dahil sa dami ng media na nakaabang.

Kasama ni Young na dumating sa bansa si Miss World president Julia Morley habang sinalubong naman sila ni Miss World Philippines national director Cory Quirino.

Dumiretso rin ito sa Dignitaries Lounge ng paliparan para magpahinga sandali bago tumuloy sa kanyang hotel sa Pasay City kung saan gaganapin ang press conference.

Isang engrandeng homecoming naman ang inihanda ng mga kababayan niya kung saan ngayong araw  ay gaganapin ang kanyang motorcade.

Naging panauhin din si Megan Young sa pre-season game ng Houston Rockets at Indiana Pacers kung saan siya ang nagsagawa ng ceremonial toss.

Isang victory dinner din ang ibinigay sa kauna-unahang Pinay na nanalo sa Miss World.

Samantala, ngayong araw rin ang courtesy call ng beauty queen kay Pangulong Noynoy Aquino III.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.