Miss Universe Pia Wurtzbach, naging lucky charm ni Manny Pacquiao

Miss Universe Pia Wurtzbach with Manny Pacquiao

Miss Universe Pia Wurtzbach with Manny Pacquiao

Ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang isa raw sa naging lucky charm ng Pambangsang Kamao na si Senador Manny Pacquiao sa laban nito last Sunday sa Las Vegas kontra kay Jessie Vargas.

Isa nga si Pia sa nanood nang araw na iyon at masayang-masaya sa pagwawagi ni Pacman, kung saan in-acknowledge si Pia ng announcer na sinuklian ng mga manonood ng matinding hiyawan.

At sa pagwawagi nga ni Pacman, isa rin si Pia sa umakyat sa ring para i-congratulate si Manny.

Pero bago nga ang laban, nauna nang nag-post sa social media si Pia ng photos niya kasama ang boxing globes na bigay sa kanya ng Pambansang Kamao.

 

Direk Perci Intalan and Direk Jun Lana

Direk Perci Intalan and Direk Jun Lana

Paolo Ballesteros, Direk Perci Intalan, at Direk Jun Lana, binigyan ng bonggang welcome presscon ni Mother Lily Monteverde

 

Isang grand welcome presscon ang ibinigay ni Mother Lily Monteverde kina Direk Perci Intalan, Direk Jun Lana, at Paolo Ballesteros sa tagumpay na tinamo ng pelikulang “Die Beautiful” sa 2016 Tokyo International Film Festival sa Japan.

Maalalang nagwagi ang “Die Beautiful” ng Audience Award at Best Actor para kay Paolo Ballesteros. At dahil nga sa kasikatan ng nasabing pelikula sa Japan, ipapalabas ito sa nasabing bansa.

Nakipagne-negotiate na nga raw ang executive producer nitong si Direk Perci sa isang Japanese  entertainment company upang i-release sa mga sinehan sa Japan ang pelikula.

Pero bukod nga sa pagpapalabas sa Japan, marami na ring festivals sa Europe at USA ang nagpara­ting na ng invitation sa pelikula upang maipalabas doon.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.