Miss Universe Pia Wurtzbach, balik-Pilipinas sa Abril

Miss Universe Pia Wurtzbach, balik-Pilipinas sa AbrilBabalik sa bansa sa Abril ang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para personal na koronahan ang mananalong Binibining Pilipinas 2016.
Excited na nga raw umuwi muli sa bansa si Pia Wurtzbach, na kabi-kabila ang activities sa Amerika, kung saan siya naninirahan sa ngayon.
Bukod nga sa pagdalo nito sa Binibining Pilipinas 2016 Coronation Night, may iba pa raw guestings and activities ang reigning Miss Universe bago ito bumalik sa New York para sa iba pa niyang activities na naiwan sa Amerika.
At sa pagbabalik sa bansa, paniguradong uusisain ng mga working press ang status nila ng napapabalitang manliligaw nitong sikat at guwapong doktor.

Dominic-RoqueDominic Roque, endorser na rin ng aesthetics center

BUKOD KAY Ynna Asistio, dagdag sa pamilya ng Aura Ruz Aesthetics Medical Group ang guwapong ABS CBN star na si Dominic Roque.
Tsika nga ng napakaganda at mabait na CEO/ President ng Aura Ruz na si Mam Xeryle Ruz-Abad, “Si Dominic ang makasasama ni Ynna sa pagpo-promote ng Aura Ruz. Sila ang magiging mukha ng Aura Ruz. Katulad ni Ynna, naniniwala ako na mahusay na endorser si Dominic kaya namin siya kinuha.”
Bukod kina Ynna at Dominic, balak din daw nina Mam Xeryle na magdagdag pa ng ibang endorsers at ambassadors na tutulong sa dalawa sa pagpo-promote ng Aura Ruz.
Ibinahagi nga ni Mam Xeryle na bukod sa magandang serbisyo ng Aura Ruz, ipinagmamalaki nito ang kanilang one of a kind at high-tech na equipment na pampaganda at pampa-sexy.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.