Miss Macau sa Miss Earth, magaling mag-Tagalog

Miss-MacauALIW NA aliw kami sa isa sa candidate sa Miss Earth 2013 na si Miss Macau nang makausap namin ito sa Finessa Aesthetica beauty clinic sa Scout Tobias cor. Timog Ave., QC., dahil marunong pala itong mag-Tagalog.

Dito pala sa Manila lumaki si Miss Macau at nag-aral sa isang Chinese school hanggang 13 years old siya.

Sa Macau na raw siya nag-aral ng high school up to college nang magdesisyon ang mga magulang n’yang bumalik sa bansa nila.

Pero pabalik-balik pa rin daw sila rito, dahil dito pa rin daw nakatira ang mga pinsan n’ya na ang iba ay may halong Pinoy na. Nakapag-asawa raw kasi ng mga Filipino ang mga tito at tita n’ya rito.

Sa katunayan, pagkatapos daw ng Miss Earth Coronation Night ngayong Sabado ng gabi, mananatili pa rin s’ya rito sa Manila para mag-celebrate ng Christmas at New Year, maging ang kanyang pamilya.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Miss Macau sa Miss Earth, magaling mag-Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published.