‘Miss Granny’ ni Sarah Geronimo, pang-award ang acting

MISS GRANNY stars James Reid, Sarah Geronimo, Xian Lim and Nova Villa

MUKHANG nakahanap si Sarah Geronimo ng right project to showcase her acting prowess sa pelikulang Miss Granny ng Viva Films na showing na ngayon mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Sa premiere showing pa lang ng pelikula ay puring-puri na ng mga nanood ang acting na ipinakita ni Sarah bilang young version ng karakter na ginagampanan ni Nova Villa sa pelikula. Ibang-iba si Sarah sa Miss Granny na ayon pa sa director ng movie ay only choice niya for the role.

“This is probably Sarah’s best performance as an actress. She’s very different in this film,” sey ng isang film critic na sabay namin sa panonood ng red carpet premier sa Trinoma.

Posible rin daw manalo ng acting award si Sarah sa Miss Granny when she gets nominated.

Sarah Geronimo

“Sobrang na-amaze ako sa ginawa ni Sarah sa Miss Granny. Ang ganda ng movie at ang galing niya. First time ko siyang narinig na magsalita ng p_ke sa pelikula,” sey naman ng isang kilalang showbiz patroller.

Sa interbyu kay Sarah, nagpasalamat siya sa magagandang feedback about her movie and her acting. Ang maganda pa, very humble na tine-take ng Popstar royalty ang lahat ng papuri sa kanya.

“Maraming salamat po at nagustuhan nila,” simple niyang pahayag.

Samantala, walang leading man si Sarah sa pelikula kahit pa kasama rin niya sa Miss Granny sina James Reid at Xian Lim.

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.