Mismong director daw ang nagkakalat Ernie Garcia, tinigasan daw sa bed scene sa kapwa lalaki

HINDI PA man naipalalabas ang director’s cut ng Pikit Mata (Blind Submission) ni  Direk Ronald Carballo sa CCP (July 27), naging sentro agad ng intriga ang shower scene at bed scene nina Ernie Garcia at ng newcomer na si Jay Austria. Naintriga tuloy namin itong pinanood sa Frontraw na pag-aari ng magaling na actor na si RS Francisco. Totoo nga, laplapan to the max ang nasabing eksena na talaga namang magpapainit ng inyong katawan. Magaling sa kama ang bagong actor, lumabas na makatotohanan ang eksena nila ni Ernie, kaya hindi posibleng tumilag ang nota ng magaling na actor.

Nang dahil sa love scene na ‘yun, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Ernie at Direk Ronald. Nagsimula sa isang blind item na sinulat ni Ricky Lo. Nabasa ni Ernie at tinawagan agad si Ricky at nag-i-explain kung ano ang nangyari sa eksenang ‘yun. Tuloy, parang inamin ng actor na siya ‘yun.

“Pinagkakalat ko raw na tinigasan siya sa love scene nila ni Jay. Sa totoo lang, siya nga lang ang gumamit ng plaster sa mga artista kong lalaki. Pinagbigyan ko na, nagpabili ako ng plaster para matapos na lang at makunan na ang eksena. Habang kinukunan ko ang shower scene papuntang kama, natanggal ang plaster, sumigaw ako ng ‘cut.’ Kayo na ang bahalang mag-isip kung bakit ?” Paliwanag ni Direk Ronald na natatawa na lang sa issue.

Kinausap din namin si Jay para tanungin kung totoong tinigasan si Ernie sa love scene nilang dalawa. “Nang matanggal po ang plaster ni Sir Ernie at sumigaw na cut si Direk, inayos po niya ‘yung ano niya. At saka, habang nagtatalik kami, naramdaman ko po ‘yung ano niya, ‘yun po,” simpleng sagot ng baguhang actor na pinatotohanan ang nangyari.

Bukod sa maiinit na eksena nina Ernie at Jay, hindi rin nagpatalbog ang baguhan ding actor na si Victor Escobar. May masturbation and bed scene ito with Soxy Topacio and RS Francisco. Masuwerte si RS kahit maikli lang ang role, nagpasasa naman siya sa katawan nina Jay at Victor sa orgy nilang tatlo.

Nang dahil sa super bold ang nasabing indie film, na-rated X ito ng tatlong miyembro ng MTRCB screening committee na binubuo nina Mara Lanot (Literary writer), Father Nick Cruz (Film teacher, Ateneo de Manila), at Eric Mallonga, sinasabing homopobhic.

Ikinuwento ni Direk Ronald na kasalukuyang umiikot ang nasabing indie film sa mga international film festival abroad. “Nakakaloka nga, sa international festival, ang comment nila sa film ko, kulang daw ang sex scenes, to think na callboy (male prostitute) community raw ang bida ng pelikula. Sa MTRCB, feeling nila, malaswa ang pelikula kaya na-X.” paliwanag nito.

Ayon kay Direk Ronald, hindi niya isinasara ang posibilidad na iapela sa MTRCB ang pagkaka-X nito para maipalabas  sa mga normal na sinehan. “Walang ilusyong magpaka-advocacy movie ang pelikula ko. Pero isang kapirasong nagdudumilat na reyalidad ng lipunan ang ipinapakita nito kaya pinagmamalaki ko ito sa lahat bilang matinong obra. Tinitiyak kong hindi baboy ang pelikula ko, gaya ng naging tingin ng tatlong taga-MTRCB.”

Sa ngayon, mapapanood pa rin natin sa mga venue na walang censorship tulad sa Cinemalaya Independent Film Festival 2012, Friday, 9PM, CCP Tanghalang Huseng Batute without cuts. Week before showing ng Pikit-Mata, sold out na ang ticket sa CCP box-office dahil kaya na-X ng MTRCB? I’m sure, pagpi-piyestahan ito ng ating mga kafatid sa pananampalataya. May mga pelikulang nakatakdang gawin si Direk Ronald, Kalam (Hunger), sex drama na tatalakay sa iba’t ibang buhay ng babae, Belat (The Wacky Girls), Pinakamamahal (Great Love) na pagbibidahan ni RS Francisco at remake ng kanyang Dingding Lang Ang Pagitan.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

4 thoughts on “Mismong director daw ang nagkakalat Ernie Garcia, tinigasan daw sa bed scene sa kapwa lalaki

  1. cheap publicity PERO mga MANAY (very 70’s) sold out as in SOLD OUT ang mga tikwets ng bold film na itey..im sure may tikets na kayo noh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.