MISLANG, BIGO SA POGING VIETCONG

KASALUKUYANG inuulan ng walang humpay na batikos si Assistant Secretary Carmen Mislang hinggil sa insidente sa Vietnam noong nakaraang linggo.

Sa totoo lang, parekoy, hindi naman talaga maganda ang ginawang panlalait ni Mislang sa inihaing alak sa kanila.

Pero bago natin hatulan si Mislang, alamin natin, parekoy, kung bakit mukhang hindi na nito napigilan ang kanyang sarili sa pagbibigay ng ganu’n ka-negatibong reaction.

Gayong puro magagandang pananalita dapat ang lalabas sa bibig ni Mislang kung babasehan ang kanyang katayuan bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.

Ayon sa ulat, hindi pala unang komentaryo ni Mislang sa “twitter” ‘yong “the wine sucks” o sa pananalitang kanto “ang lasa ng alak ay masama“!

Napag-alaman na may dalawang naunang komentaryo na pala si Mislang noong araw na ‘yon.

Ayon sa Inquirer (Oct. 31), “Press reports yesterday also quoted her as having posted that there were no good looking local males in the host country and likening crossing Hanoi’s busy, motorbike-choked streets to assisted suicide.”

Sa personal kong pananaw sa naganap, mukhang naimbiyerna lang nang husto si Mislang sa bansang Vietnam, kaya nga tama lang na dapat siyang unawain.

Kung babasehan kasi ang dalawa pa niyang “comment” maliwanag na nagpasiwil-siwil (naglamyerda) muna si Mislang sa Hanoi.

Kaso lang, hindi siya nag-enjoy sa uri ng kalsada at sa dami ng motorsiklo.

Ang masakit, mukhang hindi nakita ni Mislang ang kanyang hinahanap.

Kaya naimbiyerna na talaga ang beauty nito.

Ano ang hinahanting ni Mislang? G’wapong Vietcong!

Ang siste, parekoy, wala siyang nakita, kaya naman nasabi nitong “there were no good-looking local males in the host country!!!

Nananariwa tuloy ang tsismis sa ilang opisyal ng pamahalaan na tuwing pupunta sa ibang bansa ay naghahanap ng babaeng kasiping.

Palibhasa babae, siyempre poging Vietcong naman ang hanap ni Mislang.

Kung totoo nga, parekoy, na naghagilap si Mislang ng “poging Vietcong” kaya lang eh, wala itong natagpuan…

Idagdag pa ang napakasamang kalsadang dinaanan nito sa kanyang “hunting activity”…

Aba eh, maghahanap nga ito ng masarap-sarap na “agua de pataranta” upang malimot ang tinamong kabiguan! He, he, he!

Ang siste, sa alak na nga lang sana lulunurin ni Mislang ang naunsiyami niyang damdamin…

Sa alak na nga lang sana hihiram ng karagdagang init para lubusang matupok ang nag-aalab na katawang lupa…

Naunsiyami pa…

Letseng Vietnam ito…

Ang sama na ng kalsada… wala pang poging Vietcong, pwe!!!

Ito pa ang lasa ng alak?

The wine sucks!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

2 thoughts on “MISLANG, BIGO SA POGING VIETCONG

  1. baka nman masama ang loob n mislang kc hindi cy natipuhan ng mga vietcong? bakit cy nag salita ng ganon MAGANDA B CY? itong ganitong klaseng tao ang hindi dapat maging opisyal ng gobyerno bk magkaroon tayo ng kagalit ng wala s oras buti nlang hindi pumatol ang mga vietcong s ganyan ugali n mislang, ISA P MAHIRAP MAGING BISITA S BAHAY C MISLANG BK IPINANGUTANG MO N PARA ISTIMAHIN CY PAG ALIS NY S BAHAY NYO LAIT LAITIN P ANG INIHANDA S KANYA. kaya ingat kayong maging bisita c mislang. sabe don s nabasa ko kc daw bata p c mislang kaya ganon, BAKA BATANG ISIP.

Leave a Reply

Your email address will not be published.