Misis,Pisak sa Jeep

DEAD ON arrival sa Pangasinan Regional Memorial Hospital ng lalawigang ito ang isang ginang makaraang masagasaan ng pampasaherong jeep sa Urdaneta City.

Kinilala ang biktimang si Linda Pagsolingan, 38 anyos, may asawa at residente sa nasabing lungsod.

Sa blotter ng Urdaneta PNP, alas-3 ng hapon nang tumawid mula sa pamamalengke ang biktima subalit biglang sumulpot ang pampasaherong jeep na minamaneho ng isang Boy Avelino.

Dahil sa pangyayari ay pumailalim ang biktima sa naturang sasakyan dahilan para mabasag ang kanyang bungo.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Avelino na hindi niya napansin si Pagsolingan dahil marami ring tao na tumatawid noong oras na iyon na kanya namang pinagbigyan at huli na nang mabundol ang biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.