Misis, todas sa kamao ni mister

KARUMAL-DUMAL NA kamatayan ang sinapit ng isang  50-anyos na misis matapos bugbugin ng sadista nitong mister sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.

Kinilala ang nasabing biktima na si Livita Sisbreno na nagtamo ng matinding pasa at sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng ulo matapos na gulpihin ng kamao  ng salarin na si Enrique Sisbreno, 54.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Caraga spokesman P/Supt. Martin Gamba, bandang alas-6 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang nasabing krimen matapos na bumisita sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Bayugan 3 ang tiyuhin ng biktima na si Emelio Larona.

Nabatid na kumatok sa bahay ng mag-asawa si Larona at pumasok ito matapos na walang sumasagot kung saan nadatnan ang duguang pamangkin na tadtad ng mga sugat sa katawan.

Samantala, nabatid na sa tuwing nagagalit ang sadistang mister na sinasabing lasing ay palagi nitong sinasaktan ang kanyang asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.