Misis, Tinodas sa Harap ng Mister at Mga Anak

PATULOY NA iniimbestigahan ng mga awtoridad sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur upang makilala at mahuli ang mga responsable sa pagbaril sa isang ginang sa harapan mismo ng kanyang mister at dalawang mga anak kamakalawa ng gabi sa Purok 5, Barangay Silovia, Talacogon.

Nakilala ang nasabing biktima na si Mia Manpatilan, 58, residente ng Brgy. San Pedro, San Luis sa nasabing lalawigan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, kasama ng biktima ang kanyang pamilya nang biglang sumulpot ang dalawang naka-bonnet na mga lalaki sabay baril sa kanyang ulo at batok sanhi ng kanyang kamatayan.

Samantala, narekober ng mga rumespondeng pulis ang dalawang empty shells ng 9mm pistol, tig-isang empty shell at slug ng kalibre .45 na pistola.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.