Misis sugatan sa kalaguyo ni mister

SUGATAN ANG ISANG misis matapos itong saksakin ng gunting ng lover ng kanyang mister habang nag-iinuman, iniulat kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa Fairview General Hospital sanhi ng malalim na saksak sa katawan ang biktimang si Sylvia Panganiban, nasa hustong gulang ng Don Fabian, Commonwealth, Quezon City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na si May Robinacio, 28 ng Upper Nawasa, Commonwealth, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang asawa ng una na si Theodor sa bahay ng kaibigan sa Malipaca St., Maligaya Park Subd., ng lungsod nang sabihan ni Sylvia ang asawa na umuwi na sila.

Sumagot si Theodor na hindi na siya uuwi at sasama na sa suspek na naging dahilan upang mag-iiyak si Sylvia.

Makalipas ang ilang sandali ay nilapitan ni Sylvia si May at sinampal na naging dahilan upang gumanti at nang makadampot ng gunting ay sinaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala sa FGH ang biktima habang nadakip ng mga pulis ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.