Misis, pinanood lang ang mister habang nire-rape ang dalagita

UMIIYAK NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 15-anyos na dalagita upang ipagharap ng reklamo ang isang laborer na umano’y gumahasa sa kanya sa harap ng asawa nito sa Brgy. Banga II, Plaridel, Bulacan biyernes ng gabi.

Ang  biktima ay itinago sa pangalang Jovy, high school student, habang nakilala naman ang suspek na si Alfredo Dela Cruz, 47 anyos, residente sa nabanggit na barangay at asawa nitong si Maria.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Amado Mendoza, Jr., bandang alas-9 ng gabi nang gahasain ng suspek ang biktima sa isang bakanteng lote.

Nabatid na kasalukuyang nagbibisekleta ang biktima nang lapitan umano siya ng supsek saka kinaladkad papunta sa isang bankanteng lote at sapilitan siyang hinubaran ng damit at saka ginahasa.

Ayon sa salaysay ng biktima, nakita pa umano nito ang asawa ng suspek na pinapanood ang ginagawang panghahalay sa kanya ng suspek.

Aniya, nakakita siya ng pagkakataong tumakas sa manyakis na suspek subalit hinabol pa siya ng asawa ng suspek saka sinabihan ng, “P*t*ng ina mo… babalatan kita nang buhay.”

Kinabukasan, Sabado, tumungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang magulang nito upang ipagbigay-alam ang nangyaring panggagahasa sa biktima.

Matapos na matanggap ang reklamo, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Plaridel Police sa pangunguna ni PO3 Dennis Agcaoli na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Plaridel Police Station habang inihahanda ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.