Misis, Pinagbabaril Matapos Magsimba

DEAD ON the spot ang isang 63-anyos na misis matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Payatas A, Quezon City.

Sinabi ni Senior Police Officer Eric Lazo ng Criminal Investigation and Deterction Unit ng Quezon City Police District (QCPD) na pauwi na mula sa pagsisimba sa Divine Mercy Church si Estrella Quides kasama ang 21-anyos na anak na si Percella.

Ngunit pagdating ng dalawa sa kanto ng San Juan Bautista at Sto. Niño streets, nakarinig ng putok si Percella at paglingon niya ay nakita na lamang ang ina katabi ang isang armadong lalaking may bitbit na baril.

Agad ding sumakay ang salarin sa nakaabang na motorsiklo.

Samantala, matipid naman sa pagbibigay ng impormasyon ang Pamil-ya Quides. Hinala ng mga ito na posibleng ang mga nakaalitan ng ina sa lupa o ang mga nasampahan nito ng kaso ang nasa likod ng pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.