Misis, Patay sa Lasing na Mister

 

MALAGIM ANG sinapit ng isang misis bunsod ng kalasingan ng kanyang mister sa bayan ng Malinao, Aklan.

Patay habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Lorna Ibunes, 47 anyos, makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang mister na si Violito sa kanilang tahanan sa Brgy. Cogon kamakalawa ng gabi.

Sa blotter ng Malinao PNP, nagwawala at lasing si Violito habang hawak ang kanyang sumpak at nais lumabas ng bahay subalit pinigilan ito ni Lorna.

Dahil sa pagpupumiglas, nakalabit ang gatilyo at tumama sa tiyan ng biktima.

Bagaman naisugod pa sa Aklan Provincial Hospital si Lorna, nasawi ito habang nilalapatan.

Arestado naman si Violito na sa selda na nahismamasan.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.