Misis, Patay sa Kurdon ng Electric Fan

TODAS ANG isang misis matapos makuryente sa kurdon ng umuusok na electric fan sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutan sa Lungsod ng Malabon si Helen Entes, 39 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, umiigib ng tubig ang biktima at pagpasok sa bahay ay nakitang umuusok ang kanilang electric fan.

Mabilis na hinawakan ng biktima ang kurdon ng bentilador upang matanggal sa saksakan subalit biglang nagkikisay na naging dahilan upang dalhin sa PLM.

Posibleng nagkaroon ng talop ang kurdon dahil sa nag-overheat ang electric fan bukod pa sa basa ang kamay na naging dahilan upang makuryente ang biktima. (MARY H. SAPICO)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.