Misis, Patay sa Dumptruck ng Mister

NAPATAY NG isang mister ang kanyang sariling misis sa bisperas ng Valentine’s day sa Barangay Babag Lapu-Lapu sa Cebu.

Ito’y matapos madaganan ng salarin na si Rolito Gisabal, 49, ng kanyang minamanehong dumptruck ang kanyang asawa na si Lodovina Ebaoc, 57.

Napag-alaman na nadurog ang ulo ng biktima matapos madaganan ng gulong ng isang ten-wheeler truck nang pinaatras ito ng kanyang mister.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nagkasagutan muna ang suspek at biktima bago ang naturang pangyayari dahil sa pagseselos ng babae sa mga text message ng kanyang mister sa ibang babae na kanyang nabasa sa cellphone nito.

Kasalukuyang inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sinadyang sagasaan ng suspek ang kanyang misis o nagpakamatay dahil sa kanilang away.

Nasa kustodiya ng Lapu-Lapu Police Station ang nasabing mister.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.