Misis, Patay kay Mister; Umawat, Kritikal

 

PATAY ANG misis nang pagsasaksakin ng asawa habang kritikal ang kalugar na umawat sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Roselyn Barnido, 38 ng Phase 3, Longos ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa braso at likod si Edgardo Garcia, 39 at kalugar ng mag-asawa.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Vicente Barnido, 50 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, naglalakad si Garcia sa nabanggit na lugar nang makita si Vicente na pinagsasaksak si Roselyn.

Inawat ni Garcia si Vicente na nagalit at ang una ang napagbalingang pagsasaksakin bago tumakas.

Agad na dinala ang mga biktima sa JRMMC habang inaalam na kung ano ang ikinagalit ni Vicente sa asawa. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.