Misis, Niratrat Habang Nagbi-videoke

HULING PAGKANTA na sa videoke ng isang 23-anyos na misis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang lalaki noong Biyernes ng gabi sa Barangay Puting Bato, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Dead-on-the spot ang biktimang si Geraldine Pabia na pinaulanan ng bala sa loob ng kanyang bahay dakong alas-8 ng gabi.

Lumilitaw na nagkakatuwaan sa pagbi-videoke ang biktima at dalawang kapatid nitong babae nang biglang pasukin at ratratin.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos na mapabulagta ang biktima na duguang dinatnan ng humahangos nitong mister na si Arnel Pabia na narinig ang putok ng baril pero nabigong makilala ang nakatakas na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.