Misis ni Robredo, pinsan ng Jueteng King: Jueteng sa Bicol at Laguna, talamak

KAYA NAMAN PALA hindi kayang ipatigil ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang talamak na operasyon ng “jueteng” sa buong Bikol ay dahil malakas daw ang kuneksiyon kay DILG Sec. Jesse Robredo ng “jueteng king” sa Bicol Region.

Ito ang ipinaabot sa Pinoy Parazzi ng isang opisyal ng PNP na naka-assign mismo sa nasabing rehiyon, ngunit tumanggi itong ipabanggit ang kanyang pangalan sa takot na “buweltahan ni Robredo.”

Ayon sa source, hindi umano bumababa sa dalawang milyong piso ang arawang kubransa ni Alex Tang, kung saan ang operasyon ay naka-base lang sa Camarines Norte noong hindi pa umuupong DILG secretary si Robredo. Ngunit bigla itong lumawak sa iba’t ibang bahagi ng Bikol mula nang maging DILG Secretary ang asawa ng kanyang pinsan.

Ayon sa source, ang maybahay ni Sec. Robredo at si Alex Tang ay magpinsang-buo umano at posibleng hindi lingid sa kaalaman ni Robredo ang nasabing “jueteng operation”, ngunit ipinipikit na lamang nito ang kanyang mga mata sa nasabing iligal na sugal.

Samantala, napag-alaman din ng pahayagang ito na maging sa lalawigan ng Laguna ay talamak din ang “jueteng operation” ni Totoy Haruta.

Ayon sa source, hindi umano bumababa sa P1.5M ang arawang kubransa ni Haruta na hindi rin kayang galawin ng mga pulis o local government units.

Mariing ikinakatuwiran umano ni Haruta na bago siya galawin ni Robredo, unahin muna nito ang iligal na gawain ng pinsan ng kanyang maybahay.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Misis ni Robredo, pinsan ng Jueteng King: Jueteng sa Bicol at Laguna, talamak

  1. NGEK! Kasinungalingan!
    Ang business ni Robredo ay DRUGS, hindi jueteng. Duh. Kaya ang dami-daming drugs sa Naga eh kasi nung Mayor pa siya, drugs were able to enter the city freely.

  2. dapat talagang lumayas na si Noy sa malacanang kasi nahilig sya sa barkadas and classmates = korruption pa rin ang tutal !

Leave a Reply

Your email address will not be published.