Misis ni Rep. Gunigundo, Naghain na ng COC

NAGHAIN NG certificate of candidacy (COC) sa local Commission on Election (COMELEC) ang asawa ni 2nd District Rep. Atty. Magtanggol Gunigundo, para lumahok sa May 13, 2013 election.

Dakong alas alas-9 kahapon ng umaga, nagpalakpakan ang mga taga-suporta ni Adel Gunigundo nang mag-file ito ng COC bilang kandidato sa pagka-alkalde sa nasabing lungsod sa ilalim ng partidong LAKAS-CMD ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Kasama ni Adel na nag-file ng COC ang kanyang mga konsehal sa unang distrito sa pangunguna nina dating PBA player Mar Morelos at Rey Cuadra at mga konsehal din sa second district na sina Manny So at Lotlot Esteban.

Todo-suporta si Rep. Gunigundo sa asawa at tiniyak din ang pagtakob nito bilang kinatawan sa kanyang distrito.

Halos mapaiyak sa labis na kasiyahan  ang mga supporters ni Adel sa na-ging pasya ng ginang na kumandidatong alkalde ng Valenzuela.

Inakala ng lahat na wala nang lalaban kay 1st District Rep. Rexlon Gatchalian na kandidato sa pagka-alakde, pero nagulat ang lahat nang magdeklara si Adel.

Si Adel ay isang guro at layon nito na maitaguyod ang trabaho at kalusugan sa oras na ito ay palarin sa 2013 election.

Magiging isang kasaysayan sa Valenzuela City bilang unang babaeng magi-ging mayor kung papalarin sa 2013. Siya rin ang founder ng “Adelante Movement”, na ang slogan ay “hopes, acts, and changes”.

Maka-kalikasan din si Adel at siya ang unang nagsulong ng recycle sa basura sa Valenzuela City.

Ayon sa maybahay ni Cong. Magi, isang mahirap na misyon ang kanyang susuungin, pero naniniwala ang ginang na walang imposible sa kanyang gagawin lalo pa’t nasa likod niya at handa siyang suportahan ng kanyang mga kababayan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.