Misis ni Coco Rasuman, Dinakip

ARESTADO NG mga tauhan ng Pasay Police si Princess Tomawis Rasuman, ang asawa ni Jachob “Coco” Rasuman na itinuturong mastermind sa investment scam firm sa Lanao Del Sur.

Sinabi ni Sr. Supt Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police na nadakip ang ginang kahapon ng madaling-araw sa Quezon City sa bisa ng arrest warrant.

May impormasyon aniyang nakarating sa kanila na nagtatago sa isang bahay sa Commonwealth Avenue ang pinaghahanap na Rasuman.

Sumugod naman sa Pasay Police Headquarters ang mga umano’y nabiktima ng mag-asawang Rasuman at tinangayan ng kani-kani-lang mga ipon.

Isa sa kanila si Johari Jampuan, isang negosyante sa Marawi City, na umano’y nakulimbatan ng P120 mil-yong investment.

Samantala, hindi pa pinal kung saan idedetine ang asawani Jachob para sa seguridad nito.

Bukod kay Coco, dawit din sa kasong syndicated estafa ang naarestong misis.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

4 thoughts on “Misis ni Coco Rasuman, Dinakip

  1. Pingback: Burberry

Leave a Reply

Your email address will not be published.