Misis ng Sundalo, Dinukot

ISANG MISIS ng sundalo at empleyado ng Sulu Provincial Hospital ang napaulat na dinukot ng armadong suspek sa harap mismo ng ospital sa may Barangay Asturias sa bayan ng Jolo kamakailan.

Nakilala ang nasabing biktima na si Casilda Villarasa Marcos, isang medtech na misis umano ng isang Marine Sgt. Marcos.

Base sa pagsisiyasat, papasok na sana sa loob ng pagamutan ang biktima kasama ang kanyang siyam na taong gulang na anak na babae nang puwersahang hinila ng apat na armadong lalaki.

Nakatakas naman ang bata mula sa mga suspek habang ang biktima ay isinakay sa isang kulay itim na van na walang plate number at kaagad nakalayo sa lugar.

Nagresponde ang tropa ng PNP at militar subalit hindi na rin naabutan ang mga salarin.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang pursuit operation ngayon ng mga kinauukulan laban sa mga suspek para mabawi ang biktima.

Samantala, blangko pa ang mga kinauukulan kung ano ang motibo ng mga suspek at kung sino sino ang nasa likod ng panibagong insidente ng pagdukot sa lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.