Misis ng Retiradong Sundalo, Itinumba sa Harap ng Kampo

SINISIYASAT NA ngayon ng mga kinauukulan ang posib¬leng anggulo ng foul play sa pamamaril at pagkakapatay sa isang ginang na asawa ng isang retiradong sundalo sa harapan ng kampo ng militar sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela kamakailan.

Kinilala ang namatay na ginang na si Anita Lucero, 49-anyos, nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 9mm sa katawan na siyang kumitil sa buhay nito.

Sinabi ni Sr. Insp. Noel Pattalittan, hepe ng Gamu Police na inireport ni retired Army Sergeant Lito Lucero na isang hindi nakilalang maskaradong gunman umano ang nanambang sa kanila ng kanyang asawa habang naglalakad silang mag-asawa sa harapan ng Army’s 5th Infantry Division (ID) sa naturang lugar bandang alas -12:15 ng madaling-araw.

Ayon kay Lucero, pinaputukan umano ng suspek ng makailang ulit ang kanyang misis habang sinuwerte naman siyang hindi tinamaan ng bala.

Ayon dito, idineklarang dead-on-arrival ang kanyang asawa sa ospital sa Ilagan City.

Gayunman, sinabi ni Pattalittan sa PSN na tumangging sumailalim si Lucero sa paraffin test at tinutulan pa ang Scene of the Crime Operative (SOCO) team sa pagsasagawa ng awtopsiya sa bangkay ng kanyang asawa.

Ayon kay Pattalittan, nabatid nila sa mga kapit-bahay na madalas mag-away ang mag asawa sanhi ng seloso si Lucero bago naganap na pamamaril.

Samantala, narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.