Misis ng Kumpare, Minanyak

“PAPATAYIN KO asawa mo kung hindi ka maghuhubad!”

Ito ang mga katagang sinabi ng isang lalaki bago halayin ng suspek ang asawa ng kanyang kumpare kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Luhaang dumulog sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police Station upang maghain ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang “Josie”, 26 anyos, sales staff ng isang botique at kasalukuyang naninirahan sa Amparo Subdivision, Barangay 179 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya at nahaharap  sa kasong Rape ang suspek na nakilalang si Alvin Barredo, 34 anyos, helper at residente ng Malolos, Bulacan.

Base sa ulat ni ipinarating P/Supt. Ferdinand del Rosario, Caloocan City Police Deputy Chief for Operation, sa tanggapan ni Northern District Police, bandang alas 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay ng suspek sa biktima sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano maganap ang nasabing insidente, ang biktima kasama ang kanyang kumpare at dalawa kaibigan ay nagtatagayan ng alak sa loob ng bahay ng biktima.

Matapos ang tagayan ay nagpasiyang magsiuwi na sina Barrdeo at dalawa pang kaibigan kung saan ay inihatid pa ang mga ito ng asawa ng biktima sa sakayan.

Subalit lingid sa kaalaman ng mag-asawa ay hindi pala talaga umalis ang suspek at hinihintay na makatulog ang asawa ng babae.

Nang tahimik na ang kapaligiran ay pinasok ng suspek ang bahay ng mag-asawa at habang natutulog ay naramdaman ng biktimang mayroong humahawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa pag-aakalang ang kanyang asawa ang humihipo sa kanya, pinabayaan lang niya ito. Ngunit nang siya ay pinatungan ng suspek ay naamoy niyang hindi pala ito ang kanyang asawa kaya’t agad siyang nagpumiglas, hanggang maglabas ng balisong ang suspek at nilapitan ang asawa ng biktima saka nagbantang papatayin nito kapag hindi siya naghubad.

Dahil sa takot sa banta ng suspek, walang nagawa ang biktima kundi sundin ang kagustuhan ng suspek hanggang maisakatuparan na nito ang maitim na balak, matapos ang panggagahasa ay agad ding umalis ang suspek at mabilis na tumakas.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang biktima at ginising ang kanyang asawa saka inilahad ang pangyayari na agad din siyang sinamahan sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng kaukulang reklamo na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Samantala,kasalukuyang nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.