Misis ng DILG Officer na Pumaslang sa Kasamahan, Magre-Resign

POSIBLENG SA darating na Hunyo pa o matapos ang eleksyon mapapalitan ang dalawang nabakanteng posisyon sa DILG sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sinabi ni DILG Regional Director Blandino Maceda na hindi na maaaring magtalaga ng panibagong mga opisyal sa ahensya ng pamahalaan dahil saklaw pa ito ng election period.

Kung kaya mananatiling bakante ang puwesto ng pinaslang na si DILG officer Ayres Napire sa bayan ng Bombon, gayundin ang upuan na naiwan ng suspek sa pagpatay na si Naga City DILG officer Dennis Erich Medina.

Samantala, lumutang naman ang mga impormasyon na magbibitiw na rin sa puwesto ang asawa ni Medina na si Shiela na isa namang DILG officer sa bayan ng Cabusao.

Ang nasabing asawa ng suspek ay isa rin sa mga nakatakdang imbestigahan ng mga kinauukulan upang alamin kung may kinalaman sa ginawang krimen ng kanyang mister.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.