Misis ng Chairman, Patay sa Granada

NAPATAY ANG asawa ng barangay chairman habang tatlong naman ang sugatan matapos masabugan ng granada na inihagis ng mga ‘di-kilalang suspek sa bahay ng barangay opisyal sa Lamitan City, Basilan noong Miyerkules ng umaga kamakailan.

Kinilala ni P/Senior  Supt. Mario Dapilloza, Basilan PNP director ang nasawi na si Sapiya Mansul, misis ni Barangay Chairman Gais Mansul sa bayan ng Mohamad Ajul, Basilan. Samantala, sugatang naisugod sa pagamutan sina Sonia de los Santos, Reynaldo de los Santos at si Chairman Mansul.

Lumalabas sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natutulog ang mag-asawang Mansul sa kanilang bahay sa Barangay Matibay nang hagisan ng granada ng mga ‘di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Samantala, nasapul sa pagsabog ng granada ang biktima na natutulog malapit sa pintuan ng kanilang tirahan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.