Misis, Nagtangkang Magpakamatay Gamit ang Straw

 

KRITIKAL ANG 22-anyos na misis matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay gamit ang straw na pantali sa karton na kanilang ibi-nebenta.

Ayon sa asawa ng biktima, nangyari umano ang pagbigti ng misis matapos na pagsabihan ito ng hindi magandang salita sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo.

Hindi naman makapaniwala ang mister na magagawa ng asawa ang pagpapatiwakal dahil iniwan niya ito sa kanilang bahay na binabantayan ang kanilang limang-buwang sanggol.

Nagulat na lamang umano ito nang makita na nakabulagta na sa sahig ang misis.

Samantala, patuloy pa ring ginagamot sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang naturang misis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.