Misis, nagbigti dahil sa patay na daga

ISANG BATANG INA ang maagang namatay nang magbigti ito matapos ang isang mainitang pakikipagtalo sa kanyang live-in partner dahil lamang umano sa nangangamoy na patay na daga sa Valenzuela City, Linggo ng umaga.

Wala nang buhay na idinating sa Valenzuela Medical Center si Rheame Plaza, 18, residente ng No. 33 Bagong Kaunlaran Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Tila nakukunsensiya naman ang live-in partner ng biktima na si Bernado Obidosa Jr. 21, nang malamang nagpakamatay ang kinakasama.

Ayon kay SPO2 Armando Delima, chief ng Homicide Section, lubid ang itinali ni Plaza sa kanyang leeg bago ipinulupot sa biga ng kanilang kuwarto.

Sa report ni PO3 Ronaldo R. Subosa, bandang alas 11:45 ng umaga nang makita ng kanyang biyenan na si Bernardo Obidosa Sr, 45,  ang babae na nakabigti sa kanyang kuwarto.

“Pinuntahan ko siya sa kuwarto para ayain ng tang-halian nagulat na lang ako nang makita ko si Rheamae na nakabigti na sa kanyang kuwarto,” pahayag ni Obidosa Sr.

Sinabi ni SPO2 Delima, bago naganap ang insidente, nagtalo ang mag-asawa dahil sa mabahong amoy ng patay na daga sa kanilang labahan.

Inutusan umano ni Rheamae ang live-in partner na hanapin ang nangangamoy na patay na daga na ikinagalit ng lalaki hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Sa galit ng lalake ay kumuha ito ng paso at ibinato sa kinakasama pero hindi naman ito tinamaan. Matapos ang awayan ay dali-daling nagtungo ang biktima sa loob ng kuwarto at doon nagbigti.

May iniwang suicide note ang biktima na ang nakasulat ay puro hinanakit sa kinakasama at sa kanyang mga magulang.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Misis, nagbigti dahil sa patay na daga

  1. Pag ako hinagisan ng Flower Pot ng mokong na ‘yan-, hollow block naman ang ibabalik ko sa P T I na yan. Bakit ako magpapakamatay?

  2. Dapat imbestigahin rin ito. Hindi kapanipaniwala na magbibigti dahil lang sa pagtatalo sa patay na daga. Mukhang mainit ang ulo nang live-in partner kung nananakit at nambabato nang paso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.