Misis, Kritikal sa Magnanakaw

KRITIKAL ANG isang misis matapos pagsasaksakin ng sinasabing magnanakaw sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City , kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Maylene Eladro y Garcia, 28, ng 4th Avenue ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jackman ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga, nagising ang biktima nang maramdaman may tao sa kanyang kuwarto at pagmulat ng mata ay nakita ng suspek.

Agad na tinakpan ng suspek ang bibig ng biktima bago pinagsasaksak kung saan nagising din ang pamangkin ng ginang na si Troy Martin Villegas, 9, na mabilis na nakalabas ng bahay at nakahingi ng tulong.

Pagpunta ng mga sasaklolo ay wala na ang suspek at nang makita ang biktima at agad na dinala sa PDMMMC.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente at inaalam kung may natangay ang suspek.

(MARY . SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.