Misis, Kritikal sa Love Triangle

TATSULOK NA pag-ibig ang isa sa tinitingnan anggulo sa pagbaril ng hindi pa kilalang suspek at malubhang ikinasugat ng isang misis sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Mae Mendoza, 27, may-asawa, ng North Bay Boulevard South ng lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang tindahan sa tabi ng Apple Star KTV sa NBBS ng lungsod nang putukan ng suspek.

Lumalabas na nakakatampuhan ng biktima ang hindi pa kilalang nobyo.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek at alamin ang tunay na motibo sa naturang insidente.

(MARY H. SAPICO

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.