Misis, Kritikal sa Kaaway ng Mister

KRITIKAL ANG MISIS matapos pasukin at pagbalingan ng kapitbahay makaraang hindi makita ng huli ang kaaway na asawa ng una kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Mercidita Acbo, 53 ng Galicia St., Bangkulasi ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Junel Reyes, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng suspek at tanungin kung nasaan asawa ng una.

Nang hindi sumagot ang biktima ay nagalit ang suspek at pinagsasaksak ang una bago tumakas habang dinala naman sa TMC si Acbo.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinag-awayan ng suspek at asawa ng biktima. (MARY H. SAPICO)

 

Traffic Management Chief ng Caloocan, Walang Aksyon sa Illegal Terminal

 

ISINISISI NG MGA residente, commuters at maging ng mga jeepney driver ang kadalasang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pa-ngunahing kalsada na dulot umano ng mga iligal na pilahan ng mga pampasaherong sasakayan, mga nagkalat na tricycle at pedicab na ginagawang terminal ang kalsada na kagagawan umano ng mga tauhan ni Caloocan City Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) chief Al Sta. Maria.

Ayon kina Tomas Cordero at Pedro San Juan, mga jeepney driver na may rutang Monumento-MCU via Malabon-Bayan at Munomento-MCU via Navotas, isang Gerry alyas “Diyablo” ang sinasabing buwayang gutom na alaga umano ni Al Sta. Maria.

Sinabi pa ng dalawang source, halagang P150.00 kada linggo ang kinokulekta ni Diyablo sa bawat pampasaherong jeep na humihinto sa harap ng Old Ever Gotesco na matatagpuan sa bukana sa Samson Road sa Munomento para makapagsakay ng mga pasahero.

Si Diyablo rin ang sinasabing promoter ng iligal na pilahan sa magkabilang kalsada sa Sangandaan junction na pinagkikitaan din ng malaking halaga ni Diyablo.

Bukod dito, malaking halaga rin ng pera ang nagiging koleksiyon ni Diyablo sa illegal terminal na matatagpuan sa Bustamante Street na katabi lang ng Grand Central sa Munomento.

Ang kahabaan ng Sangandaan patungong Malabon at Navotas at Letre ay laging nagsisikip ang daloy ng trapiko sanhi ng mga nakahambalang na tricycle at pedicab na pinagkikitan din umano ng malaking salapi ng mga tauhan ng RDPSTM.

Hinihingan din umano ng tong ng mga traffic enforcer ng RDPSTM ang bawat puj driver, tricycle at pedicab na pumipik-ap ng mga pasahero sa harap ng Jollibee at sa harap ng Sangandaan Market na nagdudulot din ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Maraming beses na umanong inirereklamo si Diyablo, subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang aksiyon ni Santa Maria.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.