Misis, kinatay ng selosong mister

CEBU CITY – DAHIL sa matin-ding selos at panibugho, walang awang pinag-uundayan ng saksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang 44-anyos na misis sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Punta Princesa, Cebu kamakailan.

Nagkabutas-butas ang katawan ni Lalaine Traya habang nasakote naman ang suspek na si Luciano Traya, driver ng Juscar Taxi na sinasabing papatakas na sa crime scene nang maispatan ng mga awtoridad.

Isinugod sa ospital si Traya matapos masugatan sa noo nang piliting agawin ng kanyang misis ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Batay sa report na nakara-ting sa Camp Crame, bandang alas-12 ng tanghali ay nakipag-inuman pa ang suspek sa kanyang panganay na anak na si Luciano III kung saan ay sinabi nito na sa kabila ng 30-taon na pagsasama ay may problema silang mag-asawa.

Matapos ang ilang tagay ng alak ay iniwan na ng matandang Luciano ang anak at tuluy-tuloy na pumasok sa kanilang bahay at nang matiyempuhan ang asawang si Lalaine ay agad itong pinagsasaksak.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na nagseselos ang suspek sa isang barangay tanod na pinaniniwalaan nitong kabit ng kanyang misis kaya naganap ang pamamaslang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.