Misis, Kalaboso sa Pagbebenta ng Sariling Sanggol

NATIMBOG ANG isang misis matapos nitong ibenta sa halagang P20,000  ang bagong silang niyang sanggol kamakailan sa Caloocan City.

Tumanggi ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakabase sa nasabing lungsod na ibigay  ang buong pangalan ng salarin na nasa 29-anyos ang edad, nakatira sa Ba-rangay 74 ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, nabatid na umuwi ang kinakasama ng suspek na itinago sa pangalang Nitoy sa kanilang bahay subalit hindi na nito nakita ang kanilang anak.

Nalaman ng lalaki na ibinenta sa ibang tao ang kanilang sanggol sa halagang P20,000 kung kaya’t dali-daling humingi ito ng tulong   sa mga barangay tanod ng Barangay 74 dahilan upang madakip ang salarin.

Base pa noong Hulyo 24, 2013, nanganak ang nasabing misis sa bahay ng isang komadrona sa Maypajo ng  lungsod.

Lalo pang nagalit ang ka-live-in ng suspek nang malaman na may ibang karelasyon ang babae.

Sinabi naman ng salarin na wala siyang panggastos sa pagpapalaki sa anak dahil lingguhan kung umuwi ang ka-live-in kung kaya nagawa niyang ipa-migay ito at itinanggi na ibinenta niya ang sariling sanggol.

Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad kung kanino napunta ang baby habang nakatakdang sampahan ng kasong child trafficking ang ginang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.