Misis, Ineskandalo ang Mister na Parak, Kalaboso

KINUMPIRMA NI SPO1 Christopher Tungpalan ng PNP San Nicolas na isinampa na sa Provincial Prosecutor’s Office ang reklamo laban kay Mrs. Leilani Rabang, asawa ni PO1 Samuel Rabang matapos ang ginawang iskandalo sa nasabing police station sa Laoag City.

Unang ineskandalo ni Gng. Rabang ang kanyang asawa habang nakikipag-usap sa mga tricycle driver sa labas ng naturang istasyon ng pulis ngunit iniwan na lamang upang hindi na lumala ang kanilang away.  Samantala, lalo namang nagalit ang nasabing misis nang talikuran ng kanyang asawa kaya’t pinagba-lingan ang motorsiklo ng pulis kung saan pinagsisira nito ang harapan ng sasakyan at hiniwa-hiwa ng cutter ang upuan nito.

Nang awatin ni SPO1 Tungpalan, siya naman ang binalingan ni Rabang kung saan pinukpok pa ang nasabing pulis nang inalis niyang side mirror at nagbitaw pa ng masasamang salita.

Hindi pa nakuntento ang ginang sa pag-iiskandalo niya sa labas ng police station, pumasok pa ito at tinangkang sugurin ang pulis na mister.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.