Misis, gulpi kay mister dahil sa selos

 

ISANG MISTER ang ipinakulong ng kanyang misis makaraang bugbugin ng una ang huli dahil sa sobrang pagseselos sa Cagayan de Oro.

Base sa report na duma-ting sa Camp Crame, kinilala ang ginang na biktima na si Vivencia Warbi Montibon, 28 anyos, ng Brgy. Cugman CDO na bugbog-sarado sa iba’t ibang parte ng katawan at magkabilaang black eye.

Habang ang mister naman nito ay kinilala si Jun Montibon, 32 anyos, magsasaka ng nasabi ring lungsod.

Pasado alas-10 ng umaga aniya nitong nakalipas na Sabado nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawa, naabutan umano ng mister na nasa kapit-bahay ang biktima kaya agad nitong kinaladkad ang ginang pauwi sa kanilang bahay at doon walang habas na ginulpi.

Inihayag naman ni Vivencia na ayaw siyang pahintulutan ng kanyang mister na lumabas ng bahay sa halip ay magkulong na lamang umano habang wala ang suspek sa kanilang bahay.

“Lagi po siyang nagaga-lit kapag nakita niya akong nakikipag-usap sa mga kapit-bahay namin, lalo na sa mga lalaki, iniisip niya po na may karelasyon akong iba,” pahayag ng ginang.

Inihayag din nito sa kanilang limang taong pagsasama ay ilang beses na rin siyang sinaktan ng kanyang mister, subalit kanya rin umanong napapatawad dahil sa kanilang anak. Pero sa pagkakataong ito aniya ay desidido na ang ginang na sampahan ng kasong paglabag sa karapatang pangkababaihan at panggugulpi ang mister na ngayon ay nakapiit na sa bilangguan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.