Misis, Ginilitan ng Inaanak sa Kasal

PATAY ANG isang misis matapos itong gilitan sa leeg ng kanyang inaanak sa kasal sa bayan ng Tayug, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Clarita Basera, 61, residente ng bayan ng San Quintin, habang ang salarin ay si Napoleon Elarde, residente ng Tayug.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na sumugod ang biktima sa bahay ng suspek kung saan naganap ang insidente.

Sinasabing nabigla na lamang ang mga kapit-bahay nila nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bahay ng suspek.

Ginilitan sa leeg ang nasabing ginang at sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinakal pa umano ng suspek ang biktima gamit ang tirintas nito sa buhok.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek ngunit tumanggi itong magsalita dahil sa na-shock din sa kanyang ginawang krimen.

Samantala, ang suspek ay nasa kustodiya na ng kapulisan at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.