Misis, ginawang punching bag ni mister

MISTULANG KULAY TALONG ang mukha ng isang 38 anyos na ginang matapos itong bugbugin ng kanyang mister at gawing punching bag ang mukha makaraang mainis ang huli sa una nang hindi ito makapaningil ng mga pautang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Halos hindi pa maidilat ma-

tapos magpagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sa Caloocan City, sanhi ng mga tinamong pasa at sugat sa mukha ang biktimang si Julia Inta, vendor, ng Block 39, Lot. 3, Salaysalay St., Dagat-dagatan.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Physical Injuries at RA 9262 sa piskalya ng Caloocan Prosecutor’s Office ang suspek na si Arturo Inta, 36, truck driver, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa natu-rang lugar.

Ayon kay Julia, buong maghapon itong naningil ng kanilang mga pautang subalit kahit isa sa mga ito ay wala man lamang siyang nasingil kung kaya’t lulugo-lugo itong umuwi ng kanilang bahay.

Dito, kanyang sinabi sa asawa na wala itong nasingil na ikinagalit ng suspek dahilan upang bugbugin ito, hindi naman pinalagpas ng biktima ang ginawa ng asawa at ipinadakip niya ito sa mga pulis.

“Palagi na lamang pong ganyan, sa tuwing nalalasing siya ay binubugbog niya (suspek) ako,” ani pa ni Julia.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.