Misis, Bugbog-Sarado kay Mister Dahil sa Nawalang Cellphone

DUMULOG SA HIMPILAN ng Kalibo PNP ang isang misis upang ireklamo ang kanyang mister na umano’y  bumugbog sa kanya matapos ang kanilang mainitang pagtatalo dahil lamang sa cellphone sa kanilang boarding house sa may Purok 5 C. Laserna St., Kalibo, lalawigan ng Aklan.

Nagtamo ng pasa sa pisngi at katawan ang 33-anyos na biktimang nakilalang si Hedelisa Maderstre, dahilan upang isumbong ang kanyang asawa na kinilala namang si Charlie delos Santos, 30-anyos at isang tricycle driver sa nasabing lugar.

Batay sa report, nangyari ang insidente dakong alas-12:15 kahapon ng madaling-araw nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa dahil sa nawalang cellphone ni Maderstre na pinaniniwalaan namang itinago ng mister dahil sa pagseselos nito sa sariling misis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.