Misis, Binurdahan ng Saksak ni Mister, Patay

HINDI NA umabot pa nang buhay sa ospital ang isang misis matapos na undayan ng 18 saksak sa katawan ng mister nito sa gitna ng matinding pagtatalo dahilan sa matinding selos sa Brgy Ligtong 1, Rosario, Cavite.

Kinilala ng mga kinauukulan ang nasabing biktima na si Regina Ledesma, 33 anyos, residente ng # 538 Pilapil St., Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite; habang pinaghahanap naman ang tumakas na salarin na si Ernie Ledesma, 39 anyos, fish vendor.

Base sa pagsisiyasat ni PO1 Raniel Granado may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente kung saan nagtalo ang mag-asawa bunga ng matinding selos ng naturang mister sa kanyang asawa.

Napikon umano ang salarin na agad du-mampot ng kutsilyo at binurdahan ng saksak ang misis ng maraming beses na siya nitong agarang ikinasawi.

Samantala, lumalabas sa ulat na matinding selos ang nakikitang mo-tibo ng mga awtoridad sa insidente, kung saan pinagbibintangan ng sa-larin na may ibang lalaki ang kanyang misis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.