Misis, Binoga sa Tapat ng Bahay

KRITIKAL SA pagamutan ang isang ginang matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa tiyan ang biktimang si Marivic Delos Santos, 40, may-asawa ng Phase 2, Dagat-dagatan, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa pagkaka-kilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi, nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar habang ang biktima ay nakatayo.

Kalalabas lamang ng biktima ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito na tinamaan sa tiyan, saka tumakas ang suspek habang agad naman dinala sa nasabing pagamutan ang biktima.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.