Misis basag ang bungo sa pamangkin

PATAY ANG ISANG ginang na sinasabing hinataw ng tubo ang ulo ng kanyang pamangkin matapos ang pagtatalo sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Yolanda Cabubas, 57, ng Phase 5-A, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Noli Romero, 23, ng nasabing lugar.

Sa ulat, ala-1:30 ng gabi, narinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang magtiya sa loob ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang suspek na nagmamadaling lumabas ng bahay at umalis hanggang sa marinig sa loob ang malakas na sigaw ng anak ng biktima na si Jaypee.

Nang magpasukan ang magkakapit-bahay ay nakita ang biktima na duguan ang ulo na nakahandusay na na-ging dahilan upang dalhin sa nabanggit na ospital.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang tubo na hinihinalang ginamit ng suspek kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng mga ito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.