Misis at Mag-Asawang Albularyo, Tinaga ng Buwang

SA HALIP na manggamot, nilalapatan ngayon ng lunas ang mag-asawang albularyo at isang ginang nang magwala ang mister na may sayad sa bayan ng Tapaz, Capiz.

Kinilala ang mag-asawang albularyo na  sina Melchor at Melidan Castor, habang ang sugatan ay si Elsie Parle ng Barangay Minan, Tapaz, Capiz.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, humingi ng tulong si Elsie Parle sa mag-asawang Castor para gamutin ang mister na si Danny na pinaniniwalaang naengkanto.

Hiniling ng ginang na sa kanilang bahay matulog ang mag-asawang albularyo dahil may kalayuan ang bahay ng mga ito.

Habang mahimbing ng natutulog ang lahat ay biglang nagulantang ang ginang nang makarinig ng malakas na kalabog, kung saan ikinagulat nito nang makitang tinataga ng kanyang mister ang mag-asawang albularyo.

Dahil sa pangyayari, tinangkang kunin ng ginang ang itak sa suspek ngunit dahil mas malakas ito sa kanya ay nataga rin ito ng sariling mister.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang mga biktima, kung saan kritikal ngayon sa ospital si Melchor na mayroong malaking sugat sa ulo.

Naaresto naman ang suspek ng rumespondeng barangay kagawad at itinurn-over sa pulis.

Samantala, ipinaabot naman ng suspek sa mga alagad ng batas na nagawa lamang nito ang pananaga sa mag-asawang Castor dahil sa boses na naririnig sa kanyang tainga.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.