Misis at Lover, Kinatay ng Asawa; Mister, Nagsaksak Din sa Sarili

PATAY ANG isang misis at ang lalaking hinihinalang kalaguyo nito matapos pagsasaksakin ng asawa nito, habang namatay rin ang salarin makaraang saksakin din ang sarili matapos ang ginawang pamamaslang sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni S/Insp. Rico Pondol ang hepe ng Kabasalan Municipal Police Station na naganap ang krimen pasado alas-7:00 ng umaga sa Sitio Sequijor, Barangay Palinta sa munisipyo ng Kabasalan.

Nakasakay sa isang motorsiklo ang biktimang si Gladys Nadila Buracho, 26, kasama ang sinasabing kalaguyo nito na si Ricky Suan.

Napag-alaman ng mga awtoridad mula sa driver ng motorsiklo na si Romel Medrano na hinarang sila ng mister ng babae na kinilalang si Reneboy Nadila Dacunes at sandaling nag-usap ang mag-asawa nang biglang pinagsasaksak ng salarin ang kanyang dalawang pasahero.

Nakatakbo pa ang lalaki kaya hinabol ng suspek at nang maabutan ay pinagsasakasak ito hanggang mamatay.

Nang balikan umano ng salarin ang kanyang asawa at nakitang patay na ito ay dito na rin nito sinaksak ang kanyang sarili na nagresulta rin sa kanyang pagkasawi.

Nabatid na nagtatrabaho sa Zamboanga City ang namatay na misis habang ang kanyang asawa ay pagsasaka ang ikinabubuhay sa lugar.

Samantala, inaasa-hang dadalhin ang mga labi ng mag-asawa sa bahay ng mga magulang ng babae.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.