Misis at kalaguyo, huli sa sex video

KALABOSO ANG GINANG at ang kalaguyo nito matapos na gumawa ng sex video bago ipinanood sa kanyang mister na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Koronadal City, South Cotabato.

Nakabilanggo na sa Fatima Police Station sina Emelia at Caloy, matapos na panindigan ng dalawa na sila ang nasa sex video at nagsasama na bilang mag-asawa.

Sa reklamo ng alyas Roger, Agosto ngayong taon nang umuwi siya mula sa pagtatrabaho sa ibayong dagat, subalit ganoon na lamang ang pagtataka nito sa panlalamig ng kanyang misis.

Sinabi pa ni Roger na nagpumilit ang kanyang asawa na magtrabaho sa General Santos City kaya wala umano siyang magawa kundi pagbigyan ang hiling ng ginang, subalit tatlo hanggang apat na araw umano ito bago umuwi na namasukan bilang kasambahay.

Dahil na rin umano sa kakaibang nararamdaman ay sinundan ni Roger ang kanyang asawa na namamasukan bilang kasambahay sa Dakbayan, Gen San, subalit ganoon na lamang ang gulat nito na nakiki-pag-live-in na pala sa ibang lalaki ang kanyang misis.

Bago tuluyang nagtungo sa himpilan ng pulisya, umuwi pa umano sa kanilang bahay si Roger sa Koronadal, kung saan dito na nakita ang sex video ng dalawa  bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ni Emelia at Caloy na sila nga ang nasa sex video at sila umano ang mag-asawa at hindi ang nagrereklamong si Roger.

Subalit walang nagawa ang dalawa nang ipakita ni Roger sa kinauukulan ang marriage contract nila ni Emelia.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.